Sunday, January 30, 2005

Dirty ice cream

Kanina, kumain kami sa labas ng pamilya ko. Pagkatapos ay pumunta sa Virra Mall para bumili ng ballpen- YOKA .5, ang tanging ballpen na ginagamit ko- sa National Bookstore. Ngunit, nagsara na nga pala ang Virra Mall. Pumunta naman kami sa Megamall para lang bumili ng ballpen. At sa kasaklapan, walang .5 na YOKA. Kainis! napilitan tuloy akong bumili ng ballpen na hindi ko feel ang sulat. Haay, poor substitute.

Umuwi na kami sa bahay. At aming nadiskubre na wala pala kaming susing dala. Kailangan pa naming balikan ang tatay ko sa Greenhills. At dahil dadaaan na rin lang kami doon, naisipan kong sunduin si **** na kasabay kong umuwi ng Los BaƱos. Pero may problema. Hindi kami kasya lahat sa sasakyan. E ano pa nga ba ang magagawa namin? Lumabas kami ng kapatid kong bunso sa kotse at nag-antay sa may gate ng bahay namin. Nag-init talaga ang ulo ko, literal dahil mainit ang sikat ng araw, alas dos yun ng hapon. Figurative, dahil galit na ako.

May narinig ang kapatid ko na tunog ng bell ng mamang sorbetero. Nilibre ako ng kapatid ko- mangga at avocado ang flavor. Kahit papano nalamigan ang dila ko. Ang sarap talaga ng 'dirty ice cream'. At nung naubos ko na ang apa, dumating na ang kotse at nakapasok na kami sa bahay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home