Monday, January 17, 2005

Namiss kita

Nagtext sakin ang aking mahal na kapatid. Naayos na raw ang TV namin. Yehey! Nasira ko kasi yung TV nung Christmas vacation, sinaksak ko ng walang transformer. Ang saya ng bakasyon, walang telebisyon. Napilitan akong aliwin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbabasa at pakikinig ng musika. Hindi naman sa ayaw kong gawin ang mga iyon, namimiss ko lang talaga ang mga pinanonood ko sa TV- lalo na ang Starting Over. Nagtext nga kanina si Mam Amy na nag-graduate na daw sa Starting Over house si Amy. Hay. Paborito ko pa naman yun, di ko man lang nasubaybayan ang improvement niya. Di bale, ayos na nga yung TV, bawi na lang ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home