Thursday, February 03, 2005

BACAhan

Tapos na rin ang produksyon ng Tilamsik ng Dugo. Masaya dahil tapos na ang pagdanak ng pawis at luha, mababawasan na rin ang mga gabi ng pagpupuyat, makakain na rin sa tamang oras at makakapagconcentrate na sa ibang subjects.

Pero malungkot din ako. Mamimiss ko si Ate Elay, Ate Madz at Ate Meg. Nakakamiss na magkaroon ng dahilan para mangarag. Nakakamis ang pag-ethnic (kaya itutuly ko pa rin), hindi ko na maririnig ang mga naka-aantig pusong kanta ng choir, di ko na makikita ang nakaka-indak na sayaw ng dancers, di ko na muling makikita ang panunulsi ni Noraisa, mamimiss ko ang pagpinta sa mukha ng choir at manood ng lahat ng shows at pansinin ang sablay ng performers.

Ngunit ang pinakanakakamiss ay ang samahan ng kapwa Comm Arts- ang mga nakakaintindi sa paghihirap na pinagdadaanan ng kapwa BACA sa gitna ng utak-syensya sa UPLB, ang mga may puso para sa sining. Nakakamiss ang pagiging 'barracks' ng bahay namin- tulugan ng walang matutuluyan. Mahilig kasi kami mag-ampon.

Aantayin ko na lang pag nagpracticum na ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home