Friday, February 04, 2005

Sige aalis na kami, wag mo lang kami batuhin

Alas kwatro na ako ng umaga nakauwi kagabi.

Pagkatapos ng prod, kumain kami sa K.A. Nag-internet sa Digdig pagkatapos, mga hanggang 12 am. Umuwi sa bahay. nagbihis na nga ako at ready na matulog. Kaya lang dumating si Anna, Keno at Paul. Ba at hyper na hyper ang tatlo at gusto mag-chika to sawa. Ok lang naman sakin. E marami pa naman akong ipong laway. Kaya lang binato ni June ng tsinelas ang pintuan ng kwarto niya. Senyales na napaka-ingay namin. Nagbihis ako at lumabas kami kahit di namin alam ang pupuntahan.

Naglalakad na kami at nandun na sa may Cafe Maquiling, nang may namasdan kaming tila kilala namin. Nyak! Ang choir pala kasama ni Mam Amy. Ayun nagsama sama kami sa pagdadaldal at paglalakad hanggang sa umabot ng kami sa may junction sa paglalakad. Kumain sila sa Big Mak. Di ako bumili. Busog pa ako nun.

At sa pagkwentuhan, nalaman ko na si James pala ay tumutula kaya naman niyaya namin siya sa L.A.Y.B. Sana nga makasama siya. Speaking of Layb, miss ko na si Sir dums.

Tinamad na kaming maglakad ulit kaya nag-antay kami ng dyip. E kaso, 48 years naman. Ang tagal so naglakad uli. Nauna kami ni Banans dahil iihi pa siya sa Binalot. Yun pala nakasakay ng dyip ang mga kasama namin. Buti na lang napansin nila Keno at Paul na missing in action kami.

Hinatid muna nila ako sa bahay. pagdating ko inayos ko ang gamit ko sa lamesa dahil may multa pag may kalat. Tapos ginising si Caty Bucu na nakahiga sa kama ko. Humiga na ako at sinet ang alarm ng 7:30. Buti mabilis lang ako maligo. 8:00 ang math 11 ko bukas. Kailangang pumasok at baka 60% uli ang grade ko sa pre-fi.

2 Comments:

Blogger bananaducky said...

Sa wakas, nag-post na rin ako dito sa iyong mabula-bulang blog. From one detergent-freak to another :) mabuti na lang at hindi kami nakahanap ng videoke area; kundi, hindi tayo nagkita-kita sa may PNB at napadpad sa Big Mak. Man, ngayon lang ako naglagi sa Big Mak at medyo afraid ako dun. Mabuti na lang at kayo ang kasama ko. Definitely nasa top ten list ko of my favorite moments/events. :)

7:31 PM  
Anonymous Anonymous said...

astig! you can do it.. good luck and God Bless..

-marktan

9:45 PM  

Post a Comment

<< Home