Thursday, May 19, 2005

BROWNOUT

Dumidikit sa balat
na basa ng malagkit na pawis
ang puting blusa.

Sa kisame naglalaro
ang mga anino
na binigyang buhay
ng matabang kandila.

Kumakaluskos sa banig
ang mga kuting;
ang mga iyak nito
nagbibigay diin
sa di-mapagkatiwalaang katahimikan.

1 Comments:

Blogger pinky said...

hindi sa banig kumakaluskos ang kuting sa bahay namin, sa foam! masyado kaseng maarte yung pusang yun nakakapikon=)

2:18 PM  

Post a Comment

<< Home