Friday, July 29, 2005

Naubo ako

Galing sa IRRI walk, bumaba ako sa Vega dahil magloload ako sa Sun sim ko. Wala - sarado pa rin. Umupo na lang ako dun sa tapat ng Dunkin' Donuts. Inaantok na ako. Binasa ko ang readings ko sa PSY 101, baka magpa-quiz si ma'am.

Muntik na akong makatulog. Buti na lang may sumigaw na bata. Nagising ako. Tinapos ko ang pagbabasa ng readings. May umupo na matandang lalaki na naninigarilyo. Literal na 'head in the clouds' siya dahil sa ulo niya nagsasayaw ang usok.

Bigla niyang tinapon ang halos kalahati pang sirarilyo. Bakit kaya? Napansin ko na may tumabi sa kanyang mga bata. A, kaya pala. Commendable, Lolo. Pero mas commendable sana kung itigil niyo na lang po ang paninigarilyo.

1 Comments:

Blogger MidniteSolitaire said...

at least nakonsensya na..i mean, that's a good start. hehe...

10:56 AM  

Post a Comment

<< Home